Linkbuilder na matakaw ay narito na, si Gina. Mahilig ako sa pagkaing pinoy. Linkbuilding ang aking libangan. Ito ay siyang naging daan upang makaraos kami sa hirap. Ang buhay ng isang linkbuilder ay masaya, madalas maubusan ng links pero sige pa rin sa paghahanap. Madalas nauubusan ng paraan upang maiparank sa unang posisyon ang hinahawakang website pero sige pa rin.
Marami akong natutunan sa paglilink build at ito ay ang mga sumusunod
1.) Ang pagkakaroon ng "patience". Dahil ito ay isang mahabang proseso at hindi pang mabilisang bagay.
2.) Ang pagiging malikhain ay isa sa mga bagay na aking nadevelop habang ako ay nagsasagawa ng proseso na ito. Ang pagiging "resourceful" ay syang nadevelop din sa aking pag sasagawa ng mga links.
3.) Ang pagiging masinop at matiyaga ay kasama sa prosesong ito.
Ikaw ano ang mga bagay na natutunan mo sa trabaho? Ano pa ang mga gusto mong matutunan? Ano ang mga gusto mong ibahagi sa blog na ito? Halika't huwag mahiya ibahagi ang iyong kaalaman.
Bakit nga ba ako tinawag na matakaw?
Simple lamang yan:
1.) Ako ay mahilig talaga mag grocery
2.) Ano pa kasunod ng grocery, e di kain
3.) Gusto kong tumaba
4.) Mahilig daw ako manghingi ng pagkain ng iba
5.) Mahilig ako sa eat all you can
Maraming salamat sa pagbabasa.